Kanselado na ang concert ni Celine Dion sa Las Vegas.
Ito ay dahil sa kinakailangang sumailalim sa operasyon ng Canadian singer dahil sa problema nito sa tenga.
Ayon sa ulat, matagal nang idinadaing ng 49-anyos na si Celine ang problema sa kanyang pandinig kaya’t nagpasya itong ipaopera ang tenga batay sa rekomendasyon ng kanyang mga doktor.
Maliban dito, kanselado rin ang iba pang concert ni Celine mula March 27 hanggang April 18 habang magbabalik naman ito sa entablado sa May 22.
Sa huli humingi ng paumanhin pang-unawa sa mga fan si Celine Dion.
—-