Nagbabala ang US National Security Agency (NSA) hinggil sa cyber attacks.
Kasunod na rin ito ng panibagong cyber attacks sa ilang ospital sa Britanya at Telecom Giant na Telefonica sa Spain.
Ibinunyag ng NSA na gumagamit ng ransomwate technique ang hackers kung saan nila-lock nito ang files ng isang user at humihingi ng kabayaran sa pamamagitan ng bitcoin.
Hindi pa umano tiyak ang lawak ng cyber attacks subalit ini-uugnay ito sa ilang pananabotahe kabilang na sa Britain at Spain.
Gumagamit umano ng malware na WCRY ang hackers maging ang ilang variants nito tulad ng Wannycry, Wanacryptor, Wannacrypt o Wana Decryptor.
Lumalabas naman sa report ng security researcher na si Costin Raiu ng Security Firm na Kapersky, aabot sa 45,000 ang naitalang cyber attacks mula sa Wannacry Ransomware sa pitumput apat (74) na bansa sa buong bansa.
By Judith Estrada – Larino