Inamin ng Malacañang ang pagkabahala sa sunod-sunod na kaso ng pagpatay sa mga nakalipas na araw.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maging ang naging paraan ng pagpatay kay Tanauan City Batangas Mayor Antonio Halili ay lantaran na aniya sa publiko.
Kasabay nito, tiniyak ni Roque na kanilang tutuparin ang obligasyon na imbestigahan at resolbahin ang bawat kaso ng pagpatay.
Tikom naman ang bibig ng opisyal hinggil sa umano’y nangyayaring culture of impunity sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
—-