Inako na ng New People’s Army ang serye ng mga pag-atake sa CARAGA Region bilang protesta sa posibleng pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.
Ayon kay ka Ariel Montero, spokesman ng New People’s Army Regional Operational Command, kabilang sa kanilang mga operasyon ang pag-disarma kay Vice Mayor Emmanuel Suarez ng Cortes, Surigao del Sur, noong Martes ng umaga;
Pag-atake sa plantasyon ng DOLE-Stanfilco sa bayan ng Tago kung saan nasa Anim na ektaryang sagingan at mini-truck ang kanilang winasak at sinunog.
Samantala, kinundena naman ng Surigao del Sur Provincial Police ang mga pag-atake ng rebeldeng grupo at nanawagan sa mga residente na huwag matakot magsumbong sa mga otoridad at kung kailangan ay labanan ang mga rebelde.
By: Drew Nacino
Serye ng pag atake sa CARAGA Region inako ng NPA was last modified: July 20th, 2017 by DWIZ 882