Tiniyak ni Defense Secretary Voltaire Gazmin, na walang magiging epekto sa papalapit nang Asia pacific Economic Cooperation Summit sa Nobyembre ang nagaganap na dukutan sa ilang bahagi ng Mindanao.
Ayon kay Gazmin, nakalatag na ang mga planong pang-seguridad na ipatutupad ng Philippine National Police, katuwang ang Armed Forces of the Philippines.
Katunayan, anya, handang-handa na, ngayon pa lang, ang pamahalaan para sa pagho-host ng APEC summit.
Ayon pa kay Gazmin, ginagawa na ng mga otoridad ang lahat, partikular na ang militar sa Western Mindanao upang matunton at ma-rescue ang mga binihag.
Dagdag pa ng kalihim, inatasan na niya ang mga sundalo na tutukan ang kanilang militarty operations at tiyakin ang kaligtasan ng mga bihag.
By: Jonathan Andal