Inilabas na ang official trailer ng upcoming ABS-CBN series na ‘Born For You’ na nakatakdang umere ngayong buwan.
Sa video, ipinakilala ang karakter ng lead stars nitong sina Elmo Magalona bilang Kevin at Janella Salvador bilang Sam.
Ito ang unang seryeng pagbibidahan ng bagong magka-loveteam.
Sa isang interview sinabi ni Janella na hindi naman mahirap makapalagayan ng loob ang co-star na si Elmo dahil pareho ang kanilang hilig, ang musika.
Pressured naman si Elmo sa pagsisimula ng serye ngunit masaya aniya siya at excited para sa show.
Kinunan ang mga unang eksena sa Tokyo Japan, kung saan in-adopt sa istorya ang isa sa mga paniniwala ng Japanese culture na red string of fate.
Ibig sabihin naniniwala sila na sa bilyun-bilyong tao sa mundo ay may dalawang nilalang na itinakda ng mga diyos para sa isa’t-isa.
Kabilang doon sina Kevin at Sam.
Ipinakita ang pagkukrus ng landas ng dalawang bida at kung paanong paglalapitin ang kanilang mga loob ng pagmamahal sa musika.
Dito rin mabubuksan ang kumplikadong nakaraan ng kani-kanilang pamilya.
Sa direksyon ni Onat Diaz, tampok din sa serye sina Vina Morales, Bernard Palanca at Ariel Rivera.
PANOORIN:
Photo: Screenshot from superjanella/ Instagram