Inihayag ng Philippine National Police o PNP na wala silang nakitang seryosong banta kaugnay sa nalalapit na eleksyon sa Lunes.
Pero ayon kay PNP officer-in-charge Police Lieutenant General Vicente Danao Jr., hindi dapat na magpakampante ang ahensya sa pagbabantay lalo na sa kanilang security preparations.
Binigyang-diin din niya na gagamitin ng PNP ang “full force of the law” laban sa mga magtatangkang sabotahihin ang halalan.
Nabatid na mahigit 41,000 tauhan ng pnp ang nakatakdang i-deploy sa mga checkpoint sa buong bansa ayon sa Department of the Interior and Local Government unit (DILG).