Nagsilbing wake-up call para sa mga otoridad ang naganap na pagpaslang kagabi sa batikang journalist na si Jesus Malabanan upang paigtingin ang imbestigasyon sa patuloy na paglaganap ng mga pribadong armadong grupo at indibidwal na patuloy na naninira sa payapang pamumuhay ng mga taga-Samar.
Ayon kay Samar Representative Edgar Sarmiento pangalawang magkasunod na kaso na ito ng karahasan na kumitil rin sa buhay ni Calbayog Mayor Ronaldo Aquino noong ika-walo ng marso ngayong taon. Kaya’t dapat aniyang tutukang maigi ng Philippine National Police ang panibagong kasong ito.
Matatandaang, si Malabanan ay isang kapampanganna correspondent ng Manila Standard Today at Stringer ng Reuters sa Pampanga na pinatay sa mismong bahagi ng tahanan nito sa Calbayog City pasado alas-6 ng gabi kahapon. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11), sa panulat ni Airiam Sancho