Apektado na ng 2016 elections ang sesyon ng Kamara.
Inamin ito ni Congressman Pedro Jun Acharon Jr. ng First District ng South Cotabato.
Ayon kay Acharon, nakatakda sanang gawin kahapon ang bicameral meeting ng Kamara at Senado subalit inilipat ito ng schedule ngayong araw dahil may problema aniya sa 3 senador na miyembro ng Nacionalista Party na kakandidato bilang Bise Presidente.
Sinasabing kinansela ni Senador Bongbong Marcos ang pulong dahil sa hindi nila pagkakaunawaan ni Senador Alan Peter Cayetano.
Inihayag ni Acharon na lalo pang maaantala ang trabaho ng mga mambabatas kapag uminit pa ang isyu sa pagitan ng mga magkakalabang kandidato.
By Judith Larino