Nabalot ng tensyon ang sesyon ng mga kongresista Sa Honduras na sakop ng Central America matapos hindi masunod ang kasunduan hinggil sa kung sino ang dapat na maging lider ng mababang kapulungan.
Nagkatulakan at nagkagitgitan ang mga mambabatas nang sumampa ang isang kongresista sa podium upang pigilan si Congressman Jorge Calix bilang congress president matapos manalo sa botohan.
Nabatid na bago ang botohan, nagkasundo na umano ang mga kongresistang miyembro ng partidong honduras saviour party at bagong halal na pangulo ng Honduras na si Xiomara Castro na si Congressman Luis Redondo at hindi si Calix ang uupong congress president.
Pero sa mismong araw ng botohan 20 kongresista ng nasabing partido ang hindi sumunod sa kasunduan at sa halip ay ibinoto si Calix na nanalo bilang lider ng kongreso.
Napaalis naman sa session hall si Calix kasabay nang agarang pagsibak sa partido ng mga naturang kongresistang bumoto rito at tuluyang naideklarang congress president si Redondo.