Desidido si Senate President Vicente Sotto III na muling buksan ang session ng Senado sa Mayo 4.
Ito ay kahit pa muling mapagpasiyahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa ikalawang pagkakataon.
Ayon kay Sotto, hindi maaaring baguhin ang kalendaryo ng kongreso kung saan kinakailangan na nilang magbalik sesyon sa Mayo 4.
Iginiit pa ni Sotto, kahit mag-isa lamang siya ay kanya nang iko-convene ang Senado lalo na’t marami aniyang nakabinbing mga panukala na kinakailangan ng pamahalaan at taumbayan.
Batay sa legislative calendar, kasalukuyang naka-recess ang Senado at House of Representatives at inaasahang magbabalik sesyon sa Mayo 4.