Tuloy ang pagbubukas ng sesyon ng senado sa Mayo 4 kahit pa pinalawig hanggang Mayo 15 ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, susundin pa rin nila ang nakatakda sa kanilang legislative calendar upang hindi mabalam ang mga kinakailangang batas lalo na sa panahong ito ng krisis.
Gayunman, sinabi ni Sotto na kanilang pinag-aaralan kung personal pa silang tutulak sa senado para buksan ang sesyon o gagayahin na lang nila ang kamara na idaraan sa teleconferencing.
Batay sa legislative calendar, kinakailangang magsagaw ang sesyon ang dalawang kapulungan ng kongreso mula Mayo 4 hanggang Hunyo 5 at muling babalik sa Hulyo 27 para sa pagbubukas ng ikalawang regular na sesyon sa ilalim ng ika-18 kongreso.