Sususpendihin ng kamara ang plenary sessions sa sandaling isailalim muli sa Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila simula Agosto 6 hanggang 20.
Ito’y upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng kongresista at empleyado sa Batasan pambansa.
Ayon kay House Secretary-General Mark Llandro Mendoza, alinsunod sa kautusan ni Speaker Lord Allan Velasco ay hanggang bukas lamang ang trabaho sa mababang kapulungan ng kongreso.
Simula ngayong araw hanggang bukas ay alas-8 ng umaga hanggang ala singko ng hapon ang trabaho sa kamara habang alas-2 hanggang ala-5 ng hapon ang sesyon.
Lahat anya ng meeting ay isasagawa sa pamamagitan ng video conferencing at tanging Secretariat personnel na may pinaka-mahalagang tungkulin ang personal na mag-re-report sa tanggapan.—sa panulat ni Drew Nacino