Fake session.”
Ito ang hirit ni Cong. Alan Peter Cayetano kaugnay sa sesyon na ikinasa ng mga mambabatas na taga-suporta ng itinalagang bagong House Speaker na si Lord Allan Velasco sa labas ng House of Representatives.
Ayon kay Cayetano, hindi naman Kongreso ang Celebrity Sports Club, lugar kung saan isinagawa ang naturang sesyon, kaya’t peke aniya ang sesyong isinagawa.
Dagdag pa nito, tuloy ang pagdaraos ng special session bukas na iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte at sa gagawing sesyon ay ang pagpasa ng 2021 national budget ang syang tutukan ng mga mambabatas at hindi ang isyu ng Speakership.
Malinaw umano ang marching orders ni Pangulong Duterte na isaayos ang budget at wala itong pakialam sa usapin ng Speakership kaya naman ito ang syang gagawin ng Kamara sa sesyon bukas, October 13 hanggang October 16.
“The House of Representatives will hold a proper, orderly session tomorrow. The budget bill can be passed in 2 or 3 days provided the House majority supports it” paliwanag ni Cayetano.
Binantaan din nito ang kampo ni Marinduque Rep Lord Allan Velasco na kung igigiit na sya na ang bagong House Speaker resulta ng nangyaring fake session sa Celebrity Sports Plaza ay hindi nya ito hahayaan.
“I will not allow you to burn this house down.If you try to burn this house down, you will get one hell of a fight. Holding a “fake session” sets a dangerous precedent.Don’t throw the Constitution away. Don’t throw the Constitution into the waste basket.” pahayag ni Cayetano.
Nanindigan ang House Speaker na hindi lehitimo at hindi kikilalanin ng Kamara ang sesyon na idinaos ng mga pro-Velasco congressman dahil maituturing lamang ito na isang social club gathering.
“Sobrang kalokohan ‘yung ginawa nila.You know in your hearts, it’s simply wrong” pahayag ni Cayetano kung saan ang ginawa umano ng kampo ni Velasco ay malinaw na banana republic at pambababoy sa Konstitusyon.
“Congress is not a noontime show. Congress is not for entertainment. Congress is not a circus. It is the House of the people.This is very disturbing precedent. Sabi nila basta may quorum. Basta may quorum, they can meet any day and anywhere and do whatever they want? Kung valid yan, banana republic na tayo” giit pa nito.
Iginiit ni Cayetano na nilabag ni kampo ni Velasco ang House Rules nang magtipon tipon sa kabila ng health and safety protocols na itinatakda ng Inter Agency Task Force(IATF).
Nagbanta din ito kay Velasco at sa kampo nito na gagawa ng kaguluhan sa budget deliberations na hindi niya ito papayagan.
Ang sesyon umano sa labas ng Batasan Complex ay dapat aprunado ng resolusyon gaya nang nangyari sa special session sa Batangas noong Enero sa kasagdagan ng pagputol ng Bulkang Taal.
“so yung magtetext lang isang barkada, gawin natin itom gawin natin yan. So ganito na ba ang legislation ngayon? Its silly”dagdga pa ni Cayetano.
Samantala, mayorya naman sa mga mambabatas ang dumalo sa sesyon sa naturang lugar sa Quezon City kung saan bumoto ang mga ito ng bagong opisyal ng kamara, partikular na ang Secretary General at Sergeant at Arms.
Binigyang-diin din ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa simula ng sesyon, batay na rin aniya sa Konstitusyon, na maaaring magpatuloy ng sesyon ang kongreso kahit pa sa labas nang nakatalaga lamang na session hall, kung dumalo ang mayorya sa mga miyembro nito.