Inihiyag ni House Speaker Lord Allan Velasco, na suspendido muna ngayong buong linggo ang sesyon sa plenaryo ng Kamara at ipagpapatuloy na lamang sa Lunes, January 24, bunsod ng patuloy na pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region.
Ito’y upang mapigilan aniya ang pagkalat pa ng virus na siyang tumama rin sa higit pitumpung empleyado at miyembro ng Kongreso.
Ani, Velasco, umaasa siyang mas bubuti na ang sitwasyon sa Lunes upang matapos na ang ilang mga nakabinbin na panukalang batas bago mag-adjourn para sa election period.
Matatandaang, kahapon ay na-aprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ang kabuuang labing siyam na nakabinbing panukalang batas. —ulat mula kay Tina Nolasco (Patrol 11)