Suspendido ng isang linggo ang sesyon sa Senado para bigyang daan ang deliberasyon ng Bicameral Conference Committee sa panukalang P4.1-trillion 2020 national budget.
Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, sa Lunes, Disyembre 2, ay wala talagang pasok sa Senado dahil sa Pasay City Day.
Schedule naman ng bicam sa Martes at Miyerkules, at dahil 15 ang miyembro ng bicam na galing sa Senado, wala nang magiging quorum sa sesyon ng Senado kung dadalo ang mga ito sa bicam.
Ikinunsidera din ang maraming road closures malapit sa Senado, tulad ng sa PICC at World Trade Center, dahil sa 30th Southeast Asian (SEA) games.
Dahil dito, inihayag ni zubiri na mananatiling naka adjourn muna ang senado hanggang Disyembre 9.