Tama lamang ang naging desisyon ng Senate Electoral Tribunal (SET) sa pagsasabing natural born Filipino si Senadora Grace Poe.
Ito ang opinyon ng kilalang election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal.
Ayon kay Macalintal, iba’t iba ang pananaw ng mga justices na mga abogado at ng mga senador na hindi abogado. Bagamat abogado sumama naman sa pananaw ng majority decision si Senadora Pia Cayetano.
Naniniwala si Macalintal na tama ang naging desisyon ng SET na ibinase sa will of the people na siya namang magiging batayan ng mga foundlings sa bansa.
“Para magkaroon tayo ng batayan kaugnay ng mga foundlings, kasi alam kapag ganyan na uncertain o hindi nakakasiguro kung ano talaga ang dapat i-apply na batas, yung tinatawag na will of the people shall prevail.” Pahayag ni Macalintal.
By Mariboy Ysibido | Balitang Todong Lakas