Idineklara ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Setyembre 11, araw ng Lunes bilang special non- working holiday sa Ilocos Norte.
Kaugnay ito sa pagdiriwang sa ika-100 taong kaarawan ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Nakasaad sa Proclamation 310 na ginawang holiday ang Setyembre 11 para mabigyan ng pagkakataon ang mga Ilokano na ipagdiwang ang kapanganakan ng dating Pangulong Marcos at mga naging kontribusyon nito sa bansa bilang beterano ng world war, dating mambabatas at dating Pangulo.