Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Setyembre 3 na isang special working public holiday sa buong bansa.
Ito’y bilang pag-alala sa pagsuko ng Japanese imperial army sa pangunguna ni General Tomoyuki Yamashita hudyat ng tuluyang pagtatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig.
Kabilang ang Republic Act 11216 na nagtatalaga sa nasabing petsa bilang holiday, sa 20 bills na nilagdaan ni Pangulong Duterte ngayong taon.
Taong 1945 nang sumuko si Yamashita sa official residence ng American high commissioner sa Camp John Hay, Baguio City.
Isang taon matapos ang pagsuko, binitay ang Japanese general sa Los Baños, Laguna dahil sa war crimes.
Samantala, nilagdaan din ni Pangulong Duterte ang Republic Act 1127 na nagdedeklara sa Enero 17 bilang James Leonard Tagle Gordon Day, bilang special non-working holiday sa Olongapo City at Subic Bay Freeport Zone.