Isinusulong ni Senador Risa Hontiveros ang buwan ng Setyembre bilang National Truth Telling Month, dalawang araw ito bago ang paggunita sa Martial Law.
Ayon kay Hontiveros, mahalaga sa kasaysayan ng bansa hindi lamang ang pagkilala at pagbibigay parangal sa mga biktima ng Martial Law kundi dapat ay gunitain ang social condition ng bansa nang payagan ang diktadurya.
Sinabi ni Hontiveros na mahalagang magkaroon ng tunay na reconciliation at isang paraan nito ay mapalabas ang katotohanan ng mga nangyari noong panahon ng Martial Law.
Layon ng hakbangin ni Hontiveros na i-educate ang mga kabataan hinggil sa democratic values at practices para mapigilan ang anumang mapanupil na pamamaraan ng sinumang mamumuno sa bansa.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)