Lubhang ikinababahala ng pinuno ng World Health Organization (WHO) ang tumataas na bilang ng severe Corona Virus cases sa China.
Ito’y matapos magluwag ang China sa ipinatupad nitong “zero COVID” policy.
Ayon kay WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, kinakailangan ng UN Health Agency ang mas maraming impormasyon kaugnay sa COVID-19 severity sa China, partikular ang hospital at intensive care unit admissions, upang makapagsagawa ng risk assessment.
Sinabi pa ni Ghebreyesus na bagamat bumaba ng mahigit 90% ang COVID deaths, hindi pa rin tiyak kung tapos na ang pandemya.
Una rito, ibinabala ng ilang eksperto na ang pagkalat ng COVID sa China ay posibleng magdulot ng pagsulpot ng mga bagong variant.
Binigyang diin naman ni WHO Emergencies Chief Dr. Michael Ryan na ang pagbabakuna pa rin ang pinakamainam na ‘exit strategy’ mula sa Omicron.