Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang kahalagahan ng sex education sa mga paaralan.
Ayon kay PBBM, mahalagang maituro ang mga bagay na ito sa mga kabataan, partikular ang kahinatnan ng early pregnancy at paglaganap o prevalence ng HIV.
Ibinahagi rin ng Pangulo ang kanyang karanasan sa sex education noong nag-aaral pa lamang siya kung saan itinuro ang anatomy at pagpapaliwanag sa proseso ng reproduksyon.
Ipinunto pa niya na mahalaga ang edukasyon upang mabigyan ang mga kabataan ng tamang kaalaman sa kanilang katawan at maiwasan ang maagang pagbubuntis at iba pang isyung pangkalusugan.
Gayunman, nilinaw ng Pangulo na dapat nakatuon anatomy at reproductive health ang sex education. – mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)