Itinanggi ni Pastor Apollo Quiboloy, founder ng Kingdom of Jesus Christ (KJC), the Name Above Every Name, ang isinampang sex-trafficking case laban sa kanya ng US Grand Dury.
Tinawag ng legal counsel ng KJC Ang naturang kaso na isa na namang mapangahas na pagtatangka upang pabagsakin o siraan si Quiboloy.
Naninindigan anya ang KJC at nakatuon sa pagganap nito sa religious mission sa kabila ng mga paninirang ibinabato laban sa kanila.
Nakasaad sa 74 na pahinang kasong inihain ng federal prosecutors sa Los Angeles, California na inaakusahan si Quiboloy at iba pang opisyal ng sekta ng umano’y pagpapatakbo ng sex trafficking operations.
Mga kabataang edad 12 hanggang 25 umano ang biktima ng mga akusado sa kaso.
Gayunman, naniniwala ang KJC na lalabas din ang katotohanan. —sa panulat ni Drew Nacino