Naghain ng sex trafficking charges ang US prosecutors laban kay Pastor Apollo Quiboloy.
Sa inilabas na 74 na pahinang indictment charges, inilahad ng mga tagausig na binantaan ni Quiboloy ng eternal damnation o walang hanggang kaparusahan sa impiyerno ang mga menor de edad na kababaihan upang mapapayag na makipagtalik sa kaniya.
Kinasuhan rin ng US prosecutors sina Teresita Tolibas Dandan at Helen Panilag na US-based church administrators ng Kingdom of Jesus Christ, the name above every name (KOJC).
Ayon sa mga prosecutor, nag-re-recruit ang tatlo ng kababaihan edad 12 hanggang 25 anyos, upang maging personal assitants ni Quiboloy.
Bahagi umano ng “night duty” ng mga ito ang makipagtalik sa pastor.
Nabanggit na nagsimula ang Sex Trafficking Scheme 2002 at nagpatuloy hanggang 2018.—sa panulat ni Joana Luna