Muling pinabubuksan ni Pope Francis ang imbestigasyon para sa kontrobersiya ng sexual abuse na bumabalot ngayon sa simbahan sa Chile.
Ayon sa sulat ng Santo Papa sa Chilean church, ipapadala niya sa naturang bansa ang dalawa sa pinakamatinik na sexual abuse investigator ng simbahan para muling suriin ang mga kaso ng pag-abuso.
Kasabay nito pinapurihan din ng Santo Papa ang tapang at lakas loob ng biktima ng pag-abuso na manindigan sa katotohanan sa kabila ng mga pagtuligsa.
—-