Iniimbestigahan na ng Department of Education (DepEd) ang umano’y isang kaso ng sexual harassment sa isang eskuwelahan sa Bacoor, Cavite.
Ayon kay education spokesperson Michael Poa, nakababahala ang nasabing kaso sa Bacoor National High School kaya’t mahigpit nila itong tinututukan.
Binigyang-diin ni Poa na hindi tino-tolerate ng DepEd ang anumang uri nang pang aabuso sa mga paaralan.
Nabatid ng school divisions office na sangkot sa nasabing sexual harassment case ang anim na guro na hindi muna binigyan ng teaching load habang iniimbestigahan pa.