Tahasang sinagot ng sexy star na si Aj Raval na wala siyang problema sa ex-couple na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga.
Ayon sa aktres, willing rin siyang makatrabaho ang mga ito sa isang pelikula para kung may sasasabihin ma’y ma-confront niya ang dalawa.
Sinabi pa ni Aj na noong pumutok ang isyu nila ay nag-message ito ng mahaba kay Barbie na huwag magpadala sa mga sinasabi ng mga tao.
Naiintindihan naman niya aniya na na-provoke lamang si Barbie kaya ito nakapagsalita ng hindi maganda.
Matatandaan na naging katambal ni Aj si Diego sa unang pelikulang pinagbidahan niya na ang Death of a Girlfriend noong 2021.