Isa na namang shabu laboratory ang nadiskubre sa loob mismo ng Ayala-Alabang village sa Muntinlupa City.
Nadakip sa isinagawang raid ng Philippine National Police (PNP) ang 3 Taiwanese national na syang nagpapatakbo sa shabu laboratory.
Ayon kay Chief Inspector Roberto Razon, team leader ng raiding team, ang natuklasan nilang shabu laboratory ay may kakayahang gumawa ng 5 hanggang 10 kilo ng shabu sa isang araw.
Nakumpiska ang tinatayang P275 milyong halaga ng shabu sa isinagawang raid.
Sinabi ni Razon na nagsagawa sila ng buy bust operation sa harap mismo ng Ayala Alabang village matapos makakuha ng impormasyon sa isa nilang asset na, nakakakilala sa isa sa mga suspect na si Pong Jung.
Bahagi ng pahayag ni Chief Inspector Roberto Razon
Ayon kay Razon, dapat magkaroon na ng regulasyon na maging mahigpit sa pagpapa-upa ng mga bahay lalo na sa mga high end subdivisions tulad ng Ayala Alabang.
Marso lamang anya ng taong ito nang umupa sa Tamarind St. Ayala Alabang village ang 3 Taiwanese nationals.
Matatandaan na noong January 2012, 5 Chinese nationals ang dinakip sa isang bahay sa loob rin ng Ayala Alabang village na ginawa nilang shabu laboratory.
Bahagi ng pahayag ni Chief Inspector Roberto Razon
By Len Aguirre | Ratsada Balita