Nasabat ng mga otoridad ang tatlong kilo ng shabu sa Bohol na pinaniniwalaang galing sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Ayon sa hepe ng Clarin Police Station sa Clarin Bohol na si Pol. Sr. Inspector Fernando Perorams, nakumpiska ang shabu sa suspect na si Teofilo Tampus sa isang buy bust operations sa Barangay Nahawan, Clarin, Bohol.
Isang tip ang natanggap ng mga otoridad na si Tampus ay nakatanggap ng package ng shabu kaya agad inilunsad ang operasyon.
Ikinanta naman ng suspect na ang shabu ay nagmula sa isang alyas “boss sam” sa loob ng NBP at pinapabenta sa kanya .
Bago naaresto si Tampus ay naaresto ang anak nitong si Jonathan at kasintahan sa isang checkpoint sa bayan ng Loon at nakuha sa mga ito ang 50 gramo ng shabu at baril.
Kapwa nakakulong na ang mag-amang tampus at patuloy na inaalam ang source o pinagmulan ng shabu ng mga ito.
By: Aileen Taliping