Ready na muling umibig ang aktres na si Shaina Magdayao.
Ito ay matapos ang 4 na taong pagiging single nito.
Sinabi ni Shaina na ginamit niya ang panahong yun para magkaroon ng oras sa sarili, pamilya at mga kaibigan.
“Ready na ako. Kasi feeling ko noong time na ‘yon, ginamit ko muna siya para sa sarili ko. I wanted to fix myself also and I wanted to spend time with my family and my friends. So ngayon, pwede na. Okay na,” Pahayag ni Shaina.
Matatandaang huling naka-relasyon ni Magdayao si John Lloyd Cruz at nag-break noong 2012.
Na-link din ang aktres kina Sam Milby at Piolo Pascual.
Sa panig naman ng kanyang kapatid na si Vina Morales sinabi nitong maraming nagpaparamdam at tumatawag sa dalagang kapatid ngunit noong mga panahon daw na yun ay hindi pa handa si Shaina, pero ngayon aniya ay nagdasal na itong muli nang magka-boyfriend.
Photo Credit: abs-cbn