Nagpamalas ng napakabilis na pag-responde sa mga sugatang biktima ng lindol ang mga ikinasang emergency response team.
Sa isinagawang metrowide shake drill, nagawang mailipat ng rescue team ang mga biktimang na ngangailangan ng medikal na atensyon mula sa Intramuros patungong Sta. Ana sa loob lamang ng 17 minuto.
Naging mabilis ang pagkilos ng mga miyemrbo ng team gamit ang fast ferry boat habang nakaabang naman sa ferry station ng Sta. Ana ang mga Red Cross Volunteer at Philippine Coast Guard.
By Rianne Briones | Jonathan Andal