Isa nang ganap na ina ang Pinay beauty queen at Miss Universe 2011 3rd runner up na si Shamcey Supsup.
Kahapon, Linggo ay isinilang na ni Shamcey ang una nilang supling ng asawang si Lloyd Lee.
Inilarawan ni Shamcey ang kanilang baby girl na si Nyla Kelcey na isang healthy, malakas at super bait na baby.
Sa isang post sa Instagram, sinabi ni Shamcey na isang magical moment na makita ang iyong anak sa unang pagkakataon at hindi na niya alintana ang anumang pinagdaanang hirap at sakit sa panganganak.
Nag-post din ng picture ang bestfriend ni Shamcey na si Miss Universe 2014 top 10 finalist na si Mary Jean Lastimosa na magiging ninang ni Nyla.
Ikinasal sina Shamcey at Lloyd noong 2013.
*Photo from: Shamcey Supsup Instagram