Isinusulong ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño ang “shame campaign” para sa mga taong hindi nagsusuot ng face mask sa gitna ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Diño, sa halip na pagmultahin ay pagsalitaan na lamang o hiyain sa publiko ang mga makikitang walang face mask sa mga pampublikong lugar.
Aniya, isa ito sa paraan para mas lalong matauhan ang mga matitigas ang ulo.
Kailangan na umanong maghigpit sa pagpapatupad ng mga panuntunan para mapigil ang lalo pang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.