Iminungkahi ng isang kongresista na isailalim sa shame campaign ang mga non-performing tax collector ng BIR o Bureau of Internal Revenue.
Ayon kay Ako Bicol Partylist Rodel Batocabe, katulad ng ginagawa sa mga drug offender, dapat din itong gawin sa mga palpak na kolektor ng BIR bilang parusa sa kanila at upang mapabuti rin ang tax collection ng ibang kawani .
Giit ni Batocabe, hindi dapat ipapasan sa mga taxpayer ang kapalpakan ng mga inutil na BIR official na hindi naaabot ang kanilang target collection kada taon.
Matatandaang isiniwalat ni Speaker Pantaleon Alvarez na mahihirapan silang isulong ang tax reform package ng gobyerno dahil batid umano nila na nalulugi sa koleksiyon ang BIR habang ang mga examiner o mga opisyal nito ay lalong yumayaman.
By Jelbert Perdez