Ilulunsad na ngayon ng Department of Health (DOH) ang kanilang shame campaign laban sa mga bayan at siyudad na hindi ligtas pagdausan ng Bagong Taon.
Ayon kay Health Assistant Secretary Eric Tayag, maglalabas sila ng listahan ng mga bayan na may mataas na bilang ng mga naputukan ngayong taon.
“Yan ay para malaman po ng mga pamahalaang lokal na kung hindi pa sila nagsasagawa ng kampanya para makaiwas sa disgrasya ang kanilang mga constituent, may 3 araw pang nalalabi para mabago natin ang ating listahan po.”
Firecracker related injuries
Samantala, nakapagtala na ng walong kaso ng firecracker related injuries ang Jose Reyes Memorial Medical Center sa Santa Cruz Maynila.
Ang naturang bilang ay naitala mula December 21 hanggang 28 na mas mababa kumpara sa bilang noong nakaraang taon sa kaparehong period.
Kahapon, dalawa katao ang nilapatan ng lunas sa JRMMC matapos na masabugan ng baby rocket at boga.
Kasalukuyang nasa full alert na ang mga tauhan ng JRMMC.
Batay sa huling tala ng DOH, nasa 70 kaso na ng firecracker related injuries na ang kanilang naitatala bago pa man ang Bagong Taon.
By Ralph Obina | Karambola