Hindi dapat maliitin ang “shame plant” o kilala sa tawag na “makahiya” na kadalasan ay dinadaanan at inaapakan lang ng mga tao dahil itinuturing itong damong ligaw na tumutubo sa kahit saang lugar.
Bukod pa dito, kina-aaliwan din ito dahil sa sensitibong dahon nito na tumitiklop kapag nahahawakan.
Pero alam niyo ba na ang “makahiya” ay kaya ding makapagpagaling ng ibat-ibang uri ng sakit sa katawan ng tao?
Napag-alaman kasi ng mga eksperto na epektibo ang makahiya na panlaban sa mga sakit gaya ng:
- Hirap sa pag-ihi
- Sugat, pasa at galis
- Almoranas
- Hika at ubo
- Pagtatae
- Dysmenorrhea at
- Diabetis
Ayon sa mga eksperto, ang ugat ng makahiya ay nagtataglay ng flavonoids, phytosterol, alkaloids, amino acids, tannins, glycoside at fatty acids habang ang dahon naman nito ay nagtataglay ng mimosine at crocetin dimethyl ester.—sa panulat ni Angelica Doctolero