Muling magbubukas sa Mayo 11 ang Shanghai Disneyland theme park.
Ayon sa Shanghai Disney Resort, sa paunang reopening phase ay magpapatupad sila ng bagong measures at procedures sa mga bibisita sa theme park.
Kabilang dito ang limitadong guests, advanced ticketing at reservation, pagpapatupad ng social distancing sa mga restaurant, ride vehicles at iba pang pasilidad sa theme park, at implementasyon ng sanization at disinfection.
Maaaring makabili ng ticket sa pamamagitan ng official online channels ng Shanghai Disney Resort at official travel partners channels simula bukas, Mayo 8, kung kailan limitadong ticket ang ibebenta nila para sa initial reopening.
Sa Mayo 11, ipinabatid ng resort na karamihan sa mga attractions, rides, ilang show, shopping at dining locations sa Shanghai Disneyland ay magbabalik operasyon na samantalang mananatiling sarado ang ilang interactive attractions tulad ng children play areas at theater shows.
Maaari anilang makita ng mga guest ang mga magbubukas na attractions sa kanilang website at application.
Dadagdagan din ang sanitization measures para matiyak na mapapanatiling malinis ang buong theme park at mayruon nang nakahandang hand sanitizers sa bawat attraction, restaurant at tindahan.