Inatasan ng Sandiganbayan ang ilang kilalang cronies ng yumaong dating pangulong Ferdinand Marcos na isauli sa pamahalaan ang hawak nilang shares ng Eastern Telecommunications.
Idineklara ng Sandiganbayan na bahagi ng ill-gotten wealth ng mga Marcos ang hawak na shares ng mga di umano’y nagsilbing dummy ng yumaong pangulo sa Eastern Telecommunications.
Tinukoy ng anti-graft court ang mga shares nina Jose Africa, Manuel Nieto Jr na nakuha nila noong June 10, 1974 gayundin ang shares ng Polygon Investors and Managers Inc. at Aerocom Investors and Managers Inc.