Tutol ang West Philippine Sea Coalition sa sharing ng resources sa West Philippine Sea.
Pahayag ito ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Rafael Alunan, isa sa mga Convenors ng West Philippine Sea Coalition matapos manalo ang kaso ng Pilipinas laban sa China sa International Arbitral Tribunal.
Ayon kay Alunan, malinaw naman sa desisyon ng Tribunal na sakop ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ang bahaging inaangkin ng China.
Bahagi ng pahayag ni Former DILG Secretary Rafael Alunan
Sa halip, iminungkahi ni Alunan na ipatawag ng pamahalaan ang kinatawan ng China sa bansa upang pag-usapan ang naging ruling ng Arbitral Tribunal.
Kapag naunawaan na anya ng lahat ang nilalaman ng desisyon, ay puwede na nilang pag-usapan ang pormal na negosasyon.
Bahagi ng pahayag ni Former DILG Secretary Rafael Alunan
Guarding the EEZ
Dapat palakasin ng pamahalaan ang pagpapatrolya ng Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea.
Ayon kay dating DILG Secretary Rafael Alunan ng West Philippine Sea Coalition, ito ay upang matiyak na mapayapang makakapangisda ang mga Pilipino sa West Philippine Sea.
Maliban sa Philippine Coast Guard, kumbinsido rin si Alunan na hindi pababayaan ng mga kaalyadong bansa na nagpapatrolya sa West Philippine Sea ang mga mangingisdang Pinoy lalo na ngayong pinaboran ng International Arbitral Tribunal ang Pilipinas.
Bahagi ng pahayag ni Former DILG Secretary Rafael Alunan
Ayon kay Alunan, ang dapat gawin ngayon ng China ay ipagamit na lamang sa United Nations ang mga imprastrakturang itinayo nila sa West Philippine Sea.
Bahagi ng pahayag ni Former DILG Secretary Rafael Alunan
By Len Aguirre | Ratsada Balita