Isa na ring degree holder ang dating child star, aktres at video game streamer na si Sharlene San Pedro.
Sa kaniyang Instagram, proud na ibinahagi ni Sharlene ang kaniyang toga picture na may caption na “Sharlene S. San Pedro. Bachelor of Arts in Psychology”.
Natapos ng 23 taong gulang na aktres ang kaniyang Psychology Undergraduate degree sa AMA University and Colleges.
Inulan naman ng pagbati si Sharlene mula sa mga tagahanga at kaibigan sa showbiz gaya nina Myles Ocampo at Barbie Imperial.
Matatandaang nitong nakaraan din nang ipakita ni Sharlene ang ilang snaps sa kaniyang social media accounts na may funny caption na “Slide jump papuntang graduation,”
Ang naturang caption ay hango sa kaniyang favorite mobile game na Call of Duty: Mobile.