Kumpirmadong muling magsasama sa pelikula sina Sharon Cuneta at Robin Padilla.
Ayon kay Sharon, sisimulan na ngayong buwan ang shooting ng kanilang Star Cinema movie ni Robin.
Idinagdag ng Megastar na kaabang-abang ang pelikula dahil bago at ibang storya naman ang kanilang ipapakita.
Hindi na din aniya siya makapaghintay na makatrabaho ang tinaguriang ‘Bad Boy’ ng Pilipinas dahil ito umano ang isa sa mga paborito niyang makatrabaho.
Ani Sharon, bukod sa parehong – pareho sila, inilarawan niya na ‘happiest shooting experiences’ ang kanilang mga naunang mga proyekto.
Samantala, inihayag naman ng Megastar na si Direk Cathy Garcia – Molina ang magiging direktor ng kanilang bagong pelikula.
Pinangunahan nina Sharon at Robin noong 1991 ang mga box – office hit na ‘Maging Sino Ka Man’, ‘Di Na Natuto’ at ‘Pagdating ng Panahon’.