Bagamat maayos na ang relasyon nila ng panganay na anak na si KC…
Inamin ni Megastar Sharon Cuneta na nagtampo siya sa anak o nagselos siya dahil gusto niyang siya ang taong pinakamamahal ng anak.
Ayon kay Mega, pakiramdam niya noon na marami siyang isinakripisyo para kay KC kaya’t dapat na ituring siya nitong the greatest love of her life.
Subalit naiintindihan naman aniya niya ang anak at normal lamang ang tampuhan sa mga mag inang kagaya nila.
Sa katunayan, sinabi ng female judge sa programang Your Face Sounds Familiar na nagkabati sila ng anak noong magkasakit siya at hindi na aniya nila binalikan pa o pinag-usapan ang anumang naging conflict nila.
By Judith Larino