Bumuwelta si megastar Sharon Cuneta sa mga nagpapakalat na umano’y pang-iisnab niya kina Sarah Geronimo at sa ‘The Voice Teens’ champion na si Jona Soquite matapos ang kumpetisyon.
Sa isang Facebook post ay itinanggi ni Sharon ang mga akusasyon at ipinaliwanag na hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na i-congratulate ang team Sarah.
“Can you please not believe the rumors na I snubbed everybody after Team Sarah and Jona won on The Voice Teens? And kino-comfort ko noon ay si Jeremy. I don’t even remember if I hugged Lala too. Katabi ko si Lala of Bamboo. I don’t even remember kung si Bamboo nakausap ko pa,”
“When I looked gumitna na si Jona kakanta na ulit so ayoko naman ‘pumapel,’ tapos nakita ko halos in one line pinapababa na kami ng stage sa side, nauna sila Lea then may mga nang-interview na yata sa kanila kasi to my right dumami na ang tao at nakatalikod na si Lea. Si Sarah hindi ko na nakita baka in-interview na rin. In short I didn’t have the chance.”
Idinagdag ni Sharon na sa tagal ng kanyang career sa showbiz ay ni minsan aniya ay hindi siya nambastos ng ibang tao. Nasasaktan aniya siya kapag ugali at kaibigan niya na ang idinadamay sa isyu.
“Sa buong career ko may nakita ba kayong asal ko na ganyan kababaw at kabastos? Lumalaban lang ako pag kailangan, pero bihirang-bihira yon over almost 40 years. Bakit pinalalaki ito o inumpisahan man lang? Si Sarah parang nakababatang kapatid ko. Pinagtanggol ko noon sa intriga when kahit sa sarili ko never ko ginawa yon dahil naniniwala akong isa siya sa dapat lang respetuhin at sumikat dahil matino siyang bata, magandang example sa kabataan ngayon bukod sa napakagaling. Bakit ko gagawin yun?”
Nakiusap ang megastar na tigilan na ang pagpapakalat ng mga maling balita at pinaalalahanan ang fans na apektado ng kanilang mga aksyon ang imahe ng kanilang iniidolo.
“The way you fans act and talk reflect on your idol. Napakabilis niyo naman makalimot ng mga ipinakita kong kabutihan kay Sarah over the years. Itaas ninyo ang iniidolo ninyo. Huwag kayo manghila pababa ng idolo ng iba.”
—AR | DWIZ 882