Kinagiliwan ng mga netizens sa social media ang i-pinost na larawan ng anak ni Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan kung saan makikita ang umiiyak niyang ina.
Imbes kasi na kalungkutan ay tears of joy ang naramdaman ng kaniyang mommy matapos mapanood nang live ang idol nitong si Kim Ki-Bum o Key ng K-POP group na Shinee.
May caption pa ang post na “Kim Kibum ikaw lang ang nagpapaiyak ng mama ko na ganto,” na ikinatuwa ng ilang fans.
Si Sharon ay isa sa kilalang celebrity fan ng K-POP sa Pilipinas kung saan ilan sa iniidolo nito ay ang Shinee, NCT 127 at EXO.