Naniniwala ang Mega Star at dating Darna na si Sharon Cuneta na hindi pa dapat magretiro ang karakter na Darna.
Ayon kay Mega, may malaking sentimental value para sa mga Pilipino ang karakter na Darna kaya’t dapat aniya itong ipasa sa mga susunod na henerasyon.
Kung ang Amerika aniya ay may Wonder Woman ang mga Pinoy naman ay may tagapagligtas na si Darna.
Kinakailangan lang aniya sa susunod na magiging Darna ay dapat fit na fit ang pangangatawan dahil sa umaatikabong action scene na kailangan pagdaanan.
Naniniwala naman si Sharon na may mga karapatang maging susunod na darna sina Liza Soberano, Jessy Mendiola, Nadine Lustre, Pia Wurtzbach at iba pa.
Matatandaang 1986 nang gumanap bilang Darna si Sharon sa pelikulang Captain Barbel.
By Ralph Obina