Tanggap at walang problema para kay Megastar Sharon Cuneta at asawang si Senator Kiko Pangilinan ang naging paglantad ng kanilang anak na si Miel sa kaniyang tunay na kasarian.
Sa Instagram post ni Sharon, proud niyang ibinahagi ang litrato ng kaniyang anak, hawak ang bandilang sumisimbolo bilang miyembro ng LGBTQIA+.
Ayon sa aktres, mahal nila ang kanilang mga anak kaya’t pareho nilang susuportahan ang mga ito sa kanilang desisyon sa buhay.
Sa kabila nito, pinasalamatan naman ni Miel ang kaniyang mga kaibigan at pamilya na sumuporta at nagpakita ng pagmamahal sa kaniyang sexual identity.