Kinilig ang loyal fans nina Megastar Sharon Cuneta at ng dating asawang si Gabby Concepcion.
Ito ay matapos mag-post ang Megastar sa kanyang Instagram account ng isang quote card na ‘Thank You’, na may caption na:
Thank you for sending the durian through Ara. A pleasant surprise and much appreciated. Hope all’s well. God bless!
Binaha naman ng comments ang post ng Megastar mula sa Sharon – Gabby fans.
Maging ang anak nina Sharon at Gabby na si KC Concepcion ay nakisali sa mga comment ng fans.
Hindi naman naiwasang may nag-post ng negatibong reaksyon na agad namang sinagot ng Megastar:
Huwag lagyan ng malisya at maling kahulugan ang mga salitang kabutihan ang dala. Dapat pala tinext ko na lang si KC na mag thank you sa papa nya for me. Malinaw po? Salamat.
Samantala, nagpaabot ng maiksing mensahe si Gabby para kay Sharon:
Stay well. Right fruits for better health, better life. Glad you got it. Enjoy