Maraming Sharonians ang kinilig matapos na batiin ni Gabby Concepcion ang kanyang dating asawa na si Sharon Cuneta para sa kanyang birthday.
Noong Sabado, ipinagdiwang ng Megastar ang kanyang 52nd birthday at kahapon nga ay humabol ng pagbati si Gabby sa kanyang Instagram account.
In-upload ni Gabby sa nasabing social media site ang screenshot ng Instagram account ng anak nila na si KC Concepcion kung saan makikita ang sunud-sunod na feed ng post ni KC kaugnay sa birthday ng ina.
Isinulat ni Gabby ang salitang Happy Birthday at tinagged mismo ang dating asawa na si Sharon at ang anak nila na si KC.
Happy Birthday…safe from all the storms…@reallysharoncuneta @itskcconcepcion
A post shared by Gabby Concepcion (@concepciongabby) on
Samantala, sa kanyang birthday celebration pa rin, inamin ni Sharon na halos mawakasan na ang pagsasama nila noong nakaraang taon ng kasaluyang asawa na si Senador Kiko Pangilinan.
Ngunit sa ngayon aniya ay naayos na nila ito at tiniyak na sila ay masayang nagsasama kasama ang kanilang mga anak.
—-