Puno ng excitement na inanunsyo ni Megastar Sharon Cuneta na siya ang pinakabagong coach ng ‘The Voice Kids’ Season 3.
Papalitan ni Sharon si Sarah Geronimo na nauna nang sinabi na nais munang mag-concentrate sa Sunday variety show na ASAP para mas ma-improve pa ang kanyang talento.
Inihayag ni Sharon na masaya siyang makasama ang ilan pang The Voice Kids judges na sina Lea Salonga at Bamboo.
Ibinahagi rin ng Megastar na may isa pa siyang ‘big surprise’ para sa mga Sharonians.
Aniya, ito ang dahilan ng hindi niya pagiging active sa social media kaya dapat abangan aniya ito ng mga fans.
“To all my supporters and fans, my Sharonians whom I love very much, alam kong ang tagal kong nawala sa Facebook, ‘di ba? Sadya po ‘yon. I have been hibernating,” Pahayag ni Sharon.
“I’ve been hiding because I have been working on myself para i-surprise kayo. Hindi pa ako tapos but I have lost a lot of weight, preparing for something really big.”
Nang tanungin kung ano ito, ay ito lang ang sinabi ng veteran actress/ singer:
“It is a huge, huge surprise na hindi pa talagang puwedeng i-announce. Pero ang masasabi ko lang po, kumapit po kayo ng mahigpit na mahigpit,” Dagdag niya.