Mararanasan parin ang epekto ng shearline at hanging amihan sa ilang bahagi ng northern Luzon area.
Magiging maaliwalas naman ang panahon sa bahagi ng Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon pero posibleng magkaroon ng pag-ulan dulot ng mga localized thunder storm.
Asahan naman ang mainit na panahon ang malaking bahagi ng Visayas at Mindanao pero posible ding ulanin bunsod ng localized thunder storm lalo na sa dakong hapon o gabi.
Mayroon namang nakataas na gale warning sa ilang bahagi ng hilagang Luzon kabilang na dito ang Ilocos Norte, Batanes at Cagayan kabilang na ang babuyan island kaya’t nagpaalala ang PAGASA sa mga mangingisda na huwag munang pumalaot lalo na ang maliliit na mga sasakyang pandagat.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24°C hanggang 30°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 6:20 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:00 ng hapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero